Wednesday, November 22, 2006

ang totoong mukha ni ina!

kanina lang habang nagpapahinga ako kasabay ng nakasinding tv at takatutok sa programang wowowee. naantig ang aking puso na isang ale ang bumili pa ng cd ni willie para lamang ipagpalit sa gamot na bibilihin. di ko mapigilan ang aking sarili na lumuha. naantig ako sa mag-ina.(yung bata ang manlalaro)i am not fond of watching the said tv program. though it has "somehting" within that mass people still fan of it. bumulaga na naman sa akin ang totoong mukha ng pinoy. ang bawat kahirapang nagaganap sa boung kapuluan. alam kong marami na ang nagsasawang makarinig na ang pilipinas ay naghihirap ngunit kung patuloy tayo sa pagwawalang bahala patuloy lang tayo sa pagbulosok. naalala ko tuloy noong nakaraang linggo. bale project namin ang makipagchat sa aming subject na educational technology at magtanong sa kachat about technology ayun sa bansa nila. di sinasadyang may nakachat akong dalawang pinoy sa canada. nagpakilala silang pinoy ngunit mga hunbghang sila. pinagkaisahan nila ako dahil sa pagtatanggol sa inang bayang inabanduna nila. inabanduna nila ating bansa dahil wala daw silang mapapala dito, puro kahirapan lang ang maidudulot sa kanila---daw. marahil may punto sila ngunit mas mainam sana kung nakibahagi sila sa pagkakaisa ng mga pinoy na patuloy pa ring may malasakit sa ating inang bayan. masakit mang isiping naghihingalo na ang kalagayan nito ngunit mas masarap sang pagmunimunihan na may pag-asa pa ito kung nakikiisa lang ang bawat pilipino at walang dugasang nagyayari lalo na sa pamumuno. sinabi pa ng dalawa na kailanman ay hindi nila kinilala kanilanmg sarili bilang pinoy. sinagot ko naman sila na tatak na nila ang pagiging pinoy yun nga lang at kanilang iwinawagsi sa kabila ng lahat ng sakripisyo ng mga naunang bayani. tinwanan lamang nila ako. ganun naman talaga eh, may mga bagay na mahirap intindihin lalo nat tatak na sa kanilang puri ito. ang ayaw ko lang naman ay alam na nilang naghihikahos ang pinas ngunit hindi na sana nila bigyan ng kahihiyan at kayurakan ito. parang ganito yun eh, isang barkong papalubog na at alam nila yun, ngunit sana hindi na sana sial pa nagtapon ng anumang bagay na mabigat magdudulot ng tuluyang paglubog na sa kabila ng lahat ay may mga tai(pilipino) pa ring pilit iutong iangat at tuluyang makaalsa.iniwan ko ang chatroom na may sama ng loob dahil sa aking nabasa: philippines is a big bitch! hindi na ako nakipagtalo pa. alam kong bukas, makalawa, o sa susunod pang araw o kailanman basta may naghihintay na pag-asa ang pilipinas. malaki ang malasakit ko sa aking bansa dahil dito ako lumaki at nagkamulat. yun nga lang ay naimulat na sa akin ang totong mukha nito simula pa.